Martes, Setyembre 16, 2014

PAKIKINIG

Pakikinig

Pakikinig
--Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pandinig at pag-iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan at suriin ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan.
 Ang pakikinig, samakatuwid, ang pag-unawa sa kahulugan ng mga tunog na napakinggan. Nangangahulugan ito ng pakikinig nang may layunin- ang pag-unawa sa kahulugan ng mga salita at pangungusap na narinig. Inuunawa ang mga katotohanan at ideya na nakapaloob sa mga salitang napapakinggan.
 Natatamo ang pag-uunawa sa pamamagitan ng ating isipan. Isang aktibo itong kasanayan sapagkat may nagaganap sa isipan ng isang tao habang nakikinig. Ipinoproseso ng kanyang isipan ang mga bagay na kanyang napapakinggan hanggang sa maunawaan niya ang kahulugan ng mga ito.Napakahalaga ng pag-unawa sa proseso ng pakikinig.

PAGKAKAIBA NG PANDINIG AT PAKIKINIG
Bagama’t magkaugnay, may pagkakaiba ang pandinig(hearing) at pakikinig(listening).
Sa level ng pisikal na pandinig sapagkat isang kapasidad ito para matukoy ang tunog na mabubuo sa isang salita. Tumutukoy ito sa ating kakayahang marinig ang anumang tunog sa pamamagitan ng ating mga tainga.
Samantala, isang proseso ng pag-iisip na may layunin na unawain ang kahulugang nakapaloob sa mga tunog na pinakikinggan ang pakikinig.
Bagama’t magkaiba ang pandinig at pakikinig, magkaugnay ang dalawa sapagkat hindi maaaring mangyari ang tunay na pakikinig kung walang pandinig. Preliminaryong hakbang sa pakikinig ang pandinig.

PROSESO NG PAKIKINIG

Sinasabi ni Kline(2006) na ang pakikinig ay isang kompleks na proseso. Ito ay dumadaan sa tatlong magkakasunod na hakbangin: PAGDINIG, ATENSYON, at PAG-UUNAWA.





AND MGA URI NG PAKIKINIG AYON SA LAYUNIN:
1. KASWAL
Pampakondisyon lamang o kaya’y pampalipas oras na nakagawiang pakikinig.
Halimbawa’y nagiisa’t nakasanayan nang may naririnig habang may ibang ginagawa
Hindi seryoso ang ganitong pakikinig kaya walang layunin, tuloy, wala ring matandaan sa napakinggan.


2. Impormal
Karaniwan na ang ganitong uri ng pakikinig sa mga estudyante na tipong napilitan lamang dahil may dapat isagawang rekisito ng isang kurso.
Mangyari pa, may layunin pero pahapyaw lamang tuparin, basta makakuha ng konting impormasyon lamang tungkol sa itinakdang gawain.
3. Kritikal
Kaakibat ng uring ito ang pagiging analitikal, ebalwativ at apresyativ. Masinsin ang level ng pagsusuri, tinitingnan lahat ng anggulo, ang pagkakatulad at pagkakaiba, gayundin ang reaksyon dito’t paghusga, sa gayon, mabigyan ng obhektibong pagpapahalaga.
MGA KABUTIHANG MAIDUDULOT NG AKTIBONG PAKIKINIG
Makinig at pahalagahan ang sinasabi ng kapwa upang mapaamo ang matigas na damdamin
Madaling maunawaan ang posisyon ng iba kung mataimtim na makikinig sa kanya
Maiiwasan ang mga negatibong pagpuna kung ginagamit ang pakikinig sa wastong paraan
Mawawala ang puwang ng di-pagkakaunawaan o di-pagkakasunduan kung nakikinig sa bawat nagsasalita
Madaling matulungan ang kapwa sa pamamagitan ng pakikinig
Matutuklasan ang mgakainaan ng bawat isa tungo sa pagbabago sapagkat masususri at maaanalisa ang mga kahinaan sa pamamagitan ng masusing pakikinig
Mga paraan ng pakikinig

1. Maging handa sa pakikinig.
2. Kilalanin ang mga pangunahing kaisipan.
3. Huwag punahin ang tagapagsalita.
4. Huwag punahin agad ang mensahe.

MGA SALIK NA NAKAKAIMPLUWENSYA SA PAKIKINIG
May pitong salik na lubhang nakakaimpluwensya upang maging epektibo ang pakikinig.

1. Oras o Panahon – may tinatawag na oras de peligro at mga panahon na malaking hadlang sa pakikinig. Halimbawa nito ay ang alas dose hanggang alos dos na syang nakakaantok, kapag malamig naman ang panahon ay talagaang nakakaantok, at kapag mainit nama’y hindi ka komportable at marami pa na syang humahadlang sa ating pakikinig.
2. Edad – mainiping makinig ang mga bata ngunit mas mahusay ang kanilang memorya samantalang sa matatanda nama’y matyagang makinig kaya’t mas naiintindihan nila ang kanilang pinapakinggan
3. Kasarian – mahaba ang pasensya ng mga babae sa pakikinig dahil interesado sila sa mga detalye ng mga ideya. Samanatalang ang mga lalake nama’y madaling mabagot at ibig nila ang diretsong pagpapahayag.

4. Tsanel – ang tsanel ay ang daluyan ng komyunikasyon. Sa pamamagitan nito, ang mensahe mula sa enkowder ay naipapadala sa decoder. Sa kaso ng pakikinig, ang hangin ang daanan ng mensahe.
5. Lugar o Kapaligiran – isang lugar na malinis, tahimik, maliwanag, at malamig ang kailangang kapaligiran upang efektibong makapakinig ang isang indibidwal. Malaki ang magagawa na kapaligiran at sitwasyong kinaroroonan ng tagapakinig sa paraan ng kanyang pakikinig.
6. Kultura – may sagabal sa pag- uunawa ng mga konseptong naririnig kung iba ang kultura ng nakikinig. Maaaring asahan na higit na mahusay na tagapakinig ang taong naturuan ng tamang asal tulad ng paggalang sa kapwa at may sariling disiplina.
7. Konsepto sa sarili – maaaring ang taing may malawak na kaalaman ay magkaroon ng sagabal sa pakikinig sapagkat mataas ang pananaw sa sarili, at dahil dito, ang ilang maririnig ay maaaring hindi paniwalaan o maunawaan dahilan sa taglay na konsepto sa sarili.

Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming oras ang nagagamit ng tao sa pakikinig kaysa sa pagsasalita dahil mas madalas ay mas gusto pa niya ang makinig kaysa sa magsalita.
Lalo na ang mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Mas gusto pa ang makinig sa talakayan ng guro at kapwa mag-aaral kaysa aktibong makilahok sa kanila.
45% ay nagagamit sa pakikinig
30% ay sa pagsasalita
16% ay sa pagbabasa
9% sa pagsulat
Anuman ang mga tanong na ipasasagot sa atin ay tiyakang matutugon natin kung maayos, malinaw at wasto ang ginagawa nating pakikinig. Magiging malawak ang kaalaman natin dahil sa pakikinig.

Anim na Kahalagahan ng Pakikinig :
Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon kaysa sa tuwirang pagbabasa.
Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng mabuting palagayan.
Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o paggunita sa narinig.
Nakakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman ng tao ang pakikinig.
Ang pakikinig sa sinasabi ng kausap ay maaaring makatulong upang maunawaan ang damdamin, kaisipan at maunawaan ang kanyang kinikilos, gawi at paniniwala. lumilikha rin ito ng pagkakaisa sa anumang uri ng grupo sa loob ng isang pamilya, pamayanan, paaralan o pamamalakad man ng isang uri ng pamahalaan.
Ang hindi pakikinig ng isang miyembro sa sinasabi ng kanyang pinuno ay maaaring magdulot ng ‘di pagkakaunawaan at pag-aalitan.

Iba Pang Kahadlangan sa Mabisang Pakikinig:
1. Lugar o Kapaligiran
Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang nakahihikayat at nakapagpapataas ng level ng konsentrasyon ng isang tagapakinig ng isang panayam.
Ang mainit, maliit at magulong lugar ay nagdudulot ng pagkainis at kawalang ganang makinig ng mga tagapakinig.
2. Oras
Ang isang tagapakinig na tawagan sa hatinggabi o sa madaling- araw ay di kasing linaw ng pakikinig niya sa oras na gising na gising na ang kanyang kamalayan.
May mga oras na de-peligro rin tayong tinatawag, ang isang nagbibigay ng panayam na malapit na sa oras ng tanghalian ay din na rin epektibo sa mga tagapakinig.
Ang mga estudyante na may klase sa umaga ay mas aktibong tagapakinig kaysa mga estudyante panghapon.
3. Mga Kagamitan at Tsanel
Paggamit ng instrumento sa paghahatid ng mensahe ay malaking tulong upang magkaunawaan gaya ng cellphone, telepono, mikropono, radyo atbp.
Epektibo pa ring tsanel sa pagpaparating ng mensahe ay ang personal na pakikipag-usap kaysa sa paggamit ng instrumento dahil malinaw na masasabi ang mensahe gayon din ang kanyang emosyon
4. Distansya
Pag malayo ang kausap, anumang sigaw di maririnig, marinig ma ay bahagya’t di pa maintindihan. Pag naman sobrang lapit nagkakailangan. Yuon lamang tamang distansya
5. Kasarian
Sinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki at babae
Ang mga lalaking tagapakinig ay ayaw sa babaeng tagapagsalita dahil maligoy masyado sa pagsasalita at maraming sinasabi o ipinaliliwanag na nagiging negatibo para sa kanila kaya hindi pinakikinggan. At gusto rin nilang pinakikinggan ay ang paksang may pansarili silang interes.
Ang mga babae naman ay ayaw sa lalaking tagapagsalita dahil sa may katipiran ng mga ito sa pagbibigay ng paliwanag.
Higit na mahaba ang pasensiya ng babae sa pakikinig kaysa sa mga lalaki dahil madali silang mainip


6. Edad o gulang
Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di kailangang mahaba ang pahayag dahil masyadong maikli ang kanilang interes, bukod pa sa kanilang kakulangan sa pang-unawa.
Sa mga may edad na o matatanda na hindi rin ay hindi rin mabuti ang mahabang pakikinig hindi dahil sa nababagot sila kundi dahil sa mga nararamdamang nila sa katawan bunga ng kanila katandaan, katulad ng pag-atake ng rayuma at ang kahinaan na ng kanilang pandinig

7. Timbre Ng Boses

Mga Kasanayan Sa Pakikinig:
Pakikinig para sa kagandahan, kaaliwan at gamit ng musika
Pakikinig para sa pagtukoy ng pamaksang diwa, aral at pagpapahalaga na napapaloob sa isang pahayag o kwentong napakinggan
Pakikinig para makasunod sa tagubilin at panuto kaugnay sa sadyang gawain
Pakikinig para sa paghinuha ng natatanging impormasyon.

FILIPINO 101
(Final Period)
Sanligan ng Modyul
Ang modyul na ito ay nakatuon sa pagpapaunlad ng apat na makrong kasanayang pangwika; pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat gamit ang iba’t ibang tekstong Filipino. Sa pamamagitan nito magagamit ng mga mag-aaral ang kanyang kasanayang pangwika sa mabisang pakikipagkomunikasyon ayon sa kanyang pangangailangan at kanyang kapaligiran.
Pangkalahang Layunin
1. Lalong mapaunlad ang kasanayan sa pakikinig at pagsasalita para sa aktibong pakikilahok sa mga gawaing pangklase at maging sa labas ng paaralan at pamayanan.
2. Makapagpahayag nang wasto, malinaw at epektibong mga kaisipan at pananaw.
3. Mapaunlad ang kasanayan sa pag-unawa, pagsusuri at pagbibigay kahulugan sa mga tekstong napakinggan at nabasa.
4. Malinang at mapaunlad ang kasanayan sa pagsulat nang wasto at maayos na komposisyon tungkol sa isang paksa o isyu.
PAKIKINIG
Lesson (1)
Panimula
Lahat ay kailangang making upang maging mahusay na komunikeytor kapag mahusay na napakinggan ang sinasabi ng ispiker, magiging madali ang unawaan. May mga tao na hindi marunong making at palasabat sa usapan, kaya nagkakaroon nang di ganap na unawaan. Kapag kayo’y nakinig, maaari tayong makipagtanong at makipagpalitan ng kuru-kuro o palagay. Yumayabong an gating kaalaman sa pakikinig at nalilimi natin ang bagong informasyon sa ating napakinggan. Mas kailangan nating making nang madalas kaysa sa iba pang gawaing pagkomunikatibo.
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng pakikinig.
2. Naipaliliwanag kung paano nagaganap ang pakikinig.
3. Natutukoy at nakikilala ang ibat’t ibang uri ng pakikinig.
4. Naipaliliwanag kung paano naging epektibong tagapakini
Gawain
Magtala ng mga trabaho o hanapbuhay na mahigpit na nangangailangan ng epektibong pakikinig. Ipaliwanag ang inyong bawat sagot.
Gawain
Anu-ano ang iyong kaalaman tungkol sa pakikinig at anu-ano pa ang iyong gustong malaman?
Pagbasa at Pag-unawa
Ang pakikinig ay isang komplikadona proseso. Ang proseso ng pakikinig ay nahahati sa iba’t ibang yugto ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito. Ang unang yugto ay resepsyon o pagdinig sa tunog mapipikit natin ang ating mata ngunit hindi mo naisasara ang iyong ang iyong tainga lagi itong bukas sa mga tunog sa mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na iyon ang nagdaraan sa auditory nerve patungo sa utak.
Ang pangalawa ang rekognisyon o pagkilala sa tunog na kinikilala natin ang tunog hindi lamang bilang ingay kundi bilang reyalidad. Ang pangatlo ay pagbibigay kahulugan. Ito ay nakabatay sa dalawang naunang yugto at kung gayo’y mahigpit na nauugnay sa dalawa, ang pagbibigay kahulugan sa tunog ay higit na diskriminatibong yugto.
Upang maging epektibong tagapakinig, kailangan nating isaalang-alang ang ilang elementng nakaiimpluwensya sa proseso ng pakikinig.
a. Oras- sadyang may mga oras na ang ating pandinig ay handang-handa ngunit may mga oras ding kulang iyon sa kahandaan.
b. Channel- madlas, ang daluyan ng tunog ay nagiging sagabal sa pakikinig. Kapag ika’y nakikipag-usap sa telepono o radio, magiging Malabo ang pagkakadinig mo sa mga salita.
c. Edad- karaniwang mahina pa ang kakayahan ng mga bata sa pagbibigay kahulugan ng narinig samantalang karaniwang humihina na ang pandinig ng mga matatanda.
d. Kasarian- may mga tao na higit na nakikinig sa babae kung paanong may iba naming sa lalaki o kung ano ang preperensya nito.
e. Kultura- hindi maihihiwalay ang kultura sa pakikinig. Sa pagbibigay ng kahuilugan sa mga tunog na narinig, ang isang tao ang lagging naiimpluwensyahan ng kanyang kultura.
f. Konsepto sa sarili- ang pagkakaiba-iba n gating pananaw ay maraming makaimpluwensya sa proseso ng komunikasyon.
Kailangang linangin sa bawat tao ang kanyang kasanayan sa pakikinig upang ang lahat ay magkaroon ng epektibong komunikasyon ngunit paano ito naisasakatuparan? Narito ang ilang mungkahi:
1. Pakinggan huwag lamang ang mga salita kundi maging mensahe.
2. Tulungan angkausap na linawin ang kanyang mensahe.
3. Ipagpaliban hanggat maaari ang iyong mga paghuhusga.
4. Kontrolin ang mga tugong emosyunal sa narinig.
5. Pagtuunan ang mensahe.
6. Pagtuunan din ng pansin ang istruktura ng mensahe.
7. Patapusin ang kausap.
Gawain
a. Tukuyin ang mga elementong nakaiimpluwensya sa pakikinig.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
B. magbigay ng tatlong mungkahi kung paano ang isang tao ang magiging epektibong tagapakinig at ipaliwanag ang iyong sagot.
PAGSASALITA
Lesson (2)
Panimula
Ang isang taong epektibong magsalita sa harap ng pangkat ng mga tao ay higit na medaling nakakakuha ng respeto ng ibang tao. Ang isang taong kulang ang kasanayan sa pagsasalita ay nahihirapang ikintal sa isipan ng ibang tao. Ang kanyang halaga at natatanging katauhan. Pinatutunayan ng kasaysayan kung paanong ang kabiguang maipahayag ang sarili nang epektibo ay kadalasan pa ngang nagbubunga ng pagguho ng mga pangarap ng isang tao.
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naibibigay at naipaliliwanag ang kahalagahan ng kasanayan sa mabisang tagapagsalita.
2. Naisa-isa at natatalakay ang mga pangangailangan sa mabisang pagsasalita.
3. Natutukoy at naipaliliwanag ang mga kasangkapan ng isang epektibong tagapagsalita
Gawain
Obserbahan ang paraan ng pagsasalita ng mga kilalang pinuno ng inyong komunidad, paaralan, at bansa. Itala ang mga naobserbahan mong katangian nila sa kanilang pagsasalita sa harap ng isang tao, sa harap ng maliit na pangkat at sa harap ng malaking pangkat. Suriin din ang himih, paraan ng pagsasalita, tono at ang ekspresyon ng kanilang mukha.
Gawain
Anu-ano ang iyong kaalaman tungkol sa pagsasalita at anu-ano pa ang iyong gustong malaman?
Pagbasa at Pag-unawa
Ang mga pangunahing pinunong natanyag sa kasaysayan ng daigdig ay may isang katangiang ipinagkatulad sa isa’t isa. Lahat sila ay may mataas na antas ng kakayahang magpahayag ng ideya na kanilang naging kasangkapan upang umakit ng mga tagahanga at tagasunod. Marami na ang natanyag at nagtagumpay bunga ng kanilang katangi-tanging kakayahang magsalita sa paraang kinalulugdan ng mga tagapakinig. Ngunit ang kasanayang nagpatanyag at nagpaunlad sa kanilang lahat ay isang kasanayang maaring linangin ng sino mang indibidwal sa kanyang sarili.
Ang mabisang komunikasyon ay nakasalalay nang malaki sa mga participant nito kung gayon, malaki ang impluwensya ng mabisang pagsasalita sa epektibong proseso ng komunikasyon.
1. Kaalaman- you cannot say what you do not know, kaya kailangang ang isang tagapagsalita ang may sapat na kaalaman hinggil sa iba’t ibang bagay:
a. Paksa ng usapan
b. Bokabularyo
c. Gramatika
d. Kultura ng pinanggalingan ng wikang ginagamit mo.
2. Kasanayan- kailangang may sapat na kasanayan sa mga sumusunod:
a. Pag-iisip ng mensahe sa pinaka maikling panahon.
b. Paggamit ng mga kasangkapan sa pagsasalita tulad ng tinig, tindig, galaw, kumpas at iba pang anyong di- berbal.
c. Pagpapaghayag sa iba’t ibang genre tulad ng pagsasalaysay,paglalarawan, pagllahad at pangangatwiran.
3. Tiwala sa sarili- ang isang taong walang tiwala sa sarili ay karaniwang nagiging kimi o hindi palakibo, may mahinang tinig, garalgal na boses, mabagal na pananalita, pautal-utal magsalita.
Paano makukuha ng isang nagsasalita ang inaasahan niyang reaksyon sa kanyang tagapakinig? Sa pamamagitan ng mabisang paggamit ng kanyang mga kasangkapan sa pagsasalita.
1. Tinig- ito ang pinakamahalagang puhunan ng isang nagsasalita, kinakailangan ang tinig ay maging mapanghikayat at nakakaakit pakinggan.
2. Bigkas- napakahalagang maging wasto ang bigkas ng isang nagsasalita. Ang maling pagbigkas sa mga salita ay maaaring may bunga ng ibang pagpapakahulugan.
3. Tindig- sa isang tagapagsalita napakahalaga ng tindig kinakailangang may tikas, ika nga, mula ulo hanggang paa.
4. Kumpas- ang kumpas ng kamay ay importante rin. Kung wala ito ang nagsasalita ay mag mukhang tuod o robot.
5. Kilos- sa pagsasalita, ang ibang bahagi ng katawan ay maaari ring gumalaw. Ang mga mata, balikat, paa at ulo.
Gawain
1. Anu-anong kaalaman ang kailangang taglayin ng isang tao upang siya’y maging isang mabisang tagapagsalita.
2. Anu-ano ang kasanayang kailangang taglayin ng isang tao upang siya’y maging isang mabisang tagapagsalita.
3. Anu-ano ang mga kasangkapan ng isang nagsasalita.
4. Magbigay ng tatlong kahalagahan ng paglinang ng kasanayan sa pagsasalita. Talakayin ang bawat isa.
PAGBASA
Lesson (3)
Panimula
Ang pagbasa ay pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina. Ang pagbasa ay isa sa apat na kasanayang pangwika, kasama nito ang pakikinig, pagsasalita at pagsulat.
Ang pagbabasa’y makatutulong sa pagtuklas ng karunungan sa iba’t ibang larangan. Naghahasa ito ng kaisipan ng tao, nakapagdaragdag ng kaalaman, nagpapalawak ng pananaw, nagbibigay ng kasiyahan, at nakapagdadala sa isang tao sa iba’t ibang lugar. Nagbubukas din ito ng daan upang matuto sa iba’t ibang disiplina katulad ng Pilosopiya, Sikolohiya, Humanidades, mga Likas na Agham, Agham Panlipunan, Kasaysayan, Matematika, Panitikan at iba pa.
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipapaliwanag ang kahulugan ng kasanayan sa pagbasa.
2. Naibibigay ang kahalagahan ng kasanayan sa pagbasa
3. Naisa-isa ang mga yugto ng pagbasa
4. Natutukoy at natatalakay ang iba’t ibang uri ng pagbasa.
5. Nagagawa ang mga inaasahang makrong kasanayan sa pagbasa.
Gawain
Basahin ang kwentong Tanging Pamana ni Hilario Coronel at sagutin ang mga sumusunod.
Mga Sanhi kung
Mga epekto ng bakit nagtatagumpay
pagiging mahigpit ng sa pag-aaral ang anak
ama
Para sa iyo, alin ang higit na epektibong paraan ng pagdidisiplina sa anak, sa pamamagitan ba ng pamalo o sa pamamagitan ng pangaral o diplomasya? Bakit?
Gawain
Anu-ano ang iyong kaalaman tungkol sa pagbasa at anu-ano pa ang iyong gustong malaman?
Pagbasa at Pag-unawa
Ano ang pagbasa? Ang pagbasa ay pagpapakahulugan o pagsasabi sa diwa o sinasabi ng mga nakalimbag na sagisag ng kaisipan.
Pagbasa- pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag. Ayon kay William S. Gray “Ama ng Pagbasa” ito ay nagaganap sa apat na yugto.
1. Ang pagbasa ng akda
2. Ang pag-unawa sa binabasa.
3. Ang reaksyon sa binasa.
4. Ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga bagong kaalaman mula sa binasa at ng dating karanasan.
Ang pagbasa ay mauuri ayon sa layunin at paraan. Sa layunin, masasabing ang mga ito ay masusi at masaklaw samantala sa paraan, maaring ito ay tahimik na pagbasa (silent reading), pasalitang pagbasa (oral reading), mabagal na pagbasa at mabilis na pagbasa. Narito ang mga aytem na dapat isaalang-alang sa bawat uri ng pagbasa.
1. Masusing pagbasa- mapanuri at kritikal na pagbasa, ang emphasis nito ay nakatuon sa pag-aaral sa mga nilalaman at istruktura ng texto.
2. Masaklaw na pagbasa- nakatuon ang pag-unawa sa pangkalahatang nilalaman ng binabasa at hindi sa mga tiyak o ispisifikong detalye ng akda.
3. Pasalitang pagbasa- pagbasa ito sa isang texto na inangkupan ng wastong pagbigkas sa mga salita at sapat na lakas ng tinig upang sapat na marinig at maunawaan ng mga tagapakinig.
4. Tahimik na pagbasa (silent reading) mata lamang ang gumagana sa uri ng pagbasang ito. Walang puwang dito ang paggamit ng bibig kaya walang tunog na salita ang nalilikha ng bumabasa ng texto.
5. Mabagal na pagbasa- hindi ito “undertime-pressure” na pagbasa. Ipinahihiwatig dito na mahalagang-mahalaga na pag-ukulan ng interes ang mga salita sa akda. Ang mabagal n apagbasa ay ang unang bilis sa pagbasa na tinatawag na “study speed”.
6. Mabilis na pagbasa- ito ay tinutukoy sa Ingles sa scanning at skimming na ginagamit na paraan sa pagkuha at pagpili ng pangunahin at pagtingin sa kabuuan ng aklat bago tuluyang basahin. Ito ay pagriribyu sa aklat ng mga kinakailanganing imformasyong kaugnay ng paksang sasaliksikin.
Mga iba’t ibang kasanayan sa Pagbasa
a. pagtukoy sa pangunahing kaisipan
b. pagkuha sa mga mahalagang detalye
c. pagtukoy sa sanhi at at bunga
d. paghahambing at pag-uuri-uri ng mga kaisipan
e. pagtukoy sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
f. paghihinuha
g. pagbibigay ng mga opinion at reaksyon
h. pag-unawa sa mga idyoma at tayutay.
Gawain
a. Magbigay ng mga halimbawang seleksyon sa nabibilang sa dalawang uri ng pagbasa ang masusi at masaklaw.
b. Basahin ang kwentong “ Walang Panginoon” ni Deogracias Del Rosario
ibigay ang buod nito at magbigay ng reaskyon at komento.
PAGSULAT
Lesson (4)
Panimula
Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o isa sa ano mang kasangkapang maaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan. Ayon kay Dr. Lydia R. Lalunio ang pagsulat ay isang prosesong sosyal o panlipunan, ang bunga ng intereksyong proseso ng mag-aaral at produkto sa sosyo-kultural na konteksto na nakaapekto sa pagkakatuto.
Napananatiling buhay ang kultura at hindi nababaon sa limo tang kasaysayan ng isang bansa. Ang mga nasulat na tala ay mababasa ng salinlahi kaya’t malalaman nila ang pinagdaanan ng kanilang bansa.
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipapaliwanag ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat.
2. Natatalakay ang kahalagshan ng kasanayan sa pagsulat.
3. Nakikilala, natutukoy at naipaliliwanag kung ano ang talata.
4. Nakasusulat ng isang maayos at malinaw na talata batay sa isang pamaksang pangungusap.
5. Nagagamit ang angkop at wastong bantas sa pagsulat ng komposisyon.
6. Nakasusulat nang wasto, malinaw at maayos na komposisyon.
Gawain
Sumulat ng isang talata batay sa pamaksang pangungusap na ito: Nakita ko sila sa parke bagama’t hindi nila ako napansin.
Gawain
Anu-ano ang iyong kaalaman tungkol sa pagsulat at anu-ano pa ang iyong gustong malaman?
Pagbasa at Pag-unawa
Ang pagsulat ay kapwa isang fisikal na mental na aktiviti na ginagawa para iba't ibang layunin. Ito ay fisikal na aktiviti sapagkat ginagamit dito ang kamay sa pagsulat sa papel, o sa pagpindot ng mga keys ng typewriter o keyboard ng computer. Ginagamit din sa pagsulat ang mata upang imonitor ang anyo ng writing output kahit pa ito ay isang ehersisyo ng pagsasatitik ng ideya ayon sa isang tiyak na metodo ng development at patern ng organizasyon at sa isang istilo ng gramar na naayon sa mga tuntunin ng wikang ginamit.
MGA YUGTO NG PROSESO NG PAGSULAT
a. Prewriting
b. Drafting
c. Revising
d. Editing
e. Final Document
Ang Talata ay isang pangungusap o grupo ng mga pangungusap na inorganiza upang makadevelop ng isang ideya hinggil sa isang paksa bilang bahagi ng isang komposisyon o upang magsilbing pinakakomposisyon mismo. Ang talata ay binubio ng isang pangungusap ay maaring kahit na anong uri ng pangungusap.
PAGBABANTAS
Tuldok (.) - ginagamit bilang panapos sa pangungusap na paturol at sa ilang pangungusap na may himig-pautos o pakiusap
Tandang Pananong (?) - bilang panapos sa pahayag na patanong?
Sa loob ng panaklong, bilang pananda sa isang tala o pahayag na walang katiyakan.
Tandang Panadamdam (!)- sa mga pagpapahayag at bukambibig na nagsasaadng masidhing damdamin.
Kuwit(,)- upang paghiwalayin ang tatlo o magkakasunod na salita o kipil ng diwang magkakatulad ng tungkulin sa pangungusap.
*upang ihiwalay ang pangangalang panawag sa iba pang bahagi ng pangungusap.
*upang ihiwalay ang pangalan ng nayon sa bayan, ng bayan sa lalawigan, ng lalawigan ng bansa, o ng kau-kaukulang baha-bahagi ng pook.
*upang ihiwalay ang bilang ng araw o buwan sa taon.
*upang ihiwalay ang nangungunang sugnay sa pang-abay sa iba pang bahagi ng pangungusap.
*upang ihiwalay ang tuwirang sabi sa ibang bahagi ng pangungusap.
*upang ihiwalay ang tuwirang sabi sa ibang bahagi ng pangungusap.
*upang ihiwalay ang tuwirang sa ibang bahagi ng pangungusap.
*upang ihiwalay ang tuwirang paturol na bahagi sa patanong na bahagi ng pangungusap.
Tuldok-kuwit (;)- sa pagitan ng mga sugnay na hindi pinag-uugnay ng pangatnig.
*Sa pagitan ng mga sugnay na pinag-uugnay ng mga pangatnig.
Tutuldok(:)- Upang ilahad ang magkakasunod na mga bagay na inilalahad isa-isa.
*Sa isang pahayag na nangangailangan o sinusundan ng isang pagpapaliwanag.
*Sa diwa ng pangungusap na nangangailangan ng pigil na pagbigkas upang sundan ng bahaging binibigyang-diin ng sumusulat.
*Sa bating panimula ng mga formal na liham.
Tulduk-tuldok(....)- kapag sa loob ng pangungusap ay may salita, kaisipan o anumang bahaging kinaltas.
*Sa pagpapahayag na may pag-aatubili, pag-aalinlangan o pagkakaantala.
Kudlit (')- sa pagpipisan ng magkasunod na salaita at pangatnig na at o ay upang mapaikli ang pagsulat at pagbigkas.
Panaklong ()- ginagamit sa mga salita, parirala, o pananda o sagisag at sa anumang kipil ng kaisipan bilang karagdagang diwa sa pagiging ganap at malinaw na
pagpapahayag.
Panipi (" ")- upang kulungin ang isang tuwirang sabi kung iyon ay hindi magagawang maitalizado.
*upang kulungin ang buong pamagat ng isang likhang sining.
*upang kulungin ang mga salitang hinango sa mga banyagang wika na hindi pa laganap ang paggamit ng bayan.
Gawain
Sumulat ng isang komposisyon sa paksang napili gamit ang iba’t ibang uri ng bantas.

1.TWO-EARED LISTENER- ito ang pinakamagaling at epektibong tagapakinig.Ginagamit ang kanyang tainga at isip.

2. EAGER BEAVER- ang uri ng tagapakinig na mapagkunwari. Ngiti ng ngiti o kaya'y tango ng tango habang may nagsasalita sa harapan. Makikita sa kanyang mga mata ang kawalan ng pokus kaya isang malaking tanong kung naiintindihan ba niya ang kanyang narinig.

3.BEWILDERED- wala siyang alam o malay sa mga paksang narinig. Masasapantaha ito sa pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong pagtataka sa kanyang mukha.

4.BUSY BEE- isang captive na tagapakinig hindi nakikinig ngunit hindi naman makaalis lalo na kung nasa loob ng klasrum. Abala sa ibang gawain gaya ng pagsusulat,pagdodrowing,pagmemake-up at iba pang mga gawaing walang kaugnayan sa pakikinig.

5.SLEEPER- tagapakinig na naka-upo sa isang tahimik na sulok ng silid ipinapikit ang mga mata at unti-unting inihilig ang ulo hanggang sa makatulog.

6.FROWNER- siya ay tagapakinig na wari ba'y laging nagdududa at may katanungan sa bawat narinig.

7.TIGER- laging naghihintay ng mga kamalian o maling sasabihin ng mga tagapagsalita. Para siyang tigre kung sumugod at magtanong kung nagkamali ang speaker.

8.RELAXED- isa syang problema sa isang nagsasalita. Paano'y kitang kita sa kanya ang kawalan ng interes sa pakikinig. Madalas, nauupo siyang para bang nasa sala ng sariling bahay at itinutuon ang atensyon sa ibang bagay o tao.